Tumugon sa panawagan ng Panginoon!

Tumugon sa panawagan ng Panginoon!

Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay.”(Mt. 22:4-6). ‘

Bawat isa sa atin ay tinawag ng Diyos upang makapiling S’ya. Tinawag tayo upang makasama sa kanyang mahalagang handaan. Para sa atin bilang mga Migrante, mahalaga na tumugon tayo sa tawag ng Panginoon upang atin S’yang makapiling sa Banal na Eukaristiya. Marami pa rin sa ating mga kapananampalataya na hindi tumugon sa tawag ng Panginoon. Inuuna pa ang mga makamundong gawain, inuuna ang pang-sariling kagustuhan. Huwag natin baliwalain ang paanyaya ng ating Panginoon. 

Huwag natin tanggihan ang tawag ng Panginoon, dahil ang kanyang tawag ay tawag upang makamtan natin ang kasaganaan at kapayapaan na sa kanya lamang natatagpuan. Lahat tayo ay tinawag N’ya upang makasama at makasalo S’ya, pero ang tawag na ito ay may hamon, handang magbago para sa kaharian ng Diyos. Hindi lang tayo inaanyayahan para sa isang simpling kainan, tayo ay tinawag sa isang mahalagang pagtitipon, ito ang Banal na Misa. At kung tayo ay tumugon sa tawag ng Panginoon, dapat handa tayo,  dahil atin S’yang makasama sa Banal na Eukaristiya. Hindi tayo karapatdapat humarap sa Panginoon kung ang puso natin ay puno ng kasalanan. Pumunta tayo sa kumpisalan upang Linisin ng Diyos ang puso natin na puno ng kasalanan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at ita­pon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at mag­ ngangalit ang kanyang ngipin.”(Mt. 22:11-13).

Kung tayo ay tumugon sa panawagan ng Panginoon dapat handa tayong magbago, talikuran ang maling pamumuhay upang tayo ay karapatdapat sa kanyang banal na piging. 

Sa atin pagtugon sa paanyaya ng Panginoon ating isabuhay ang pagmamahal, pagtitiwala, pagpapakumbaba at handang tumulong sa kapwa lalong lalo na yung mga nawawala at nangangailan sa gabay natin. 

Panginoon bigyan mo kami ng pusong nagpakumbaba upang kami ay tumugon sa iyong paanyaya na magbago upang sumunod sa iyong kalooban at pamamaraan upang aming makamtan ang tunay na kaligayahan at kapayapaan.

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________